Target ng Energy Regulatory Commission (ERC) na pansamantalang tanggalin o bawasan ang ilang charge sa bill sa kuryente ng simula Disyembre.
Ito’y bilang preparasyon umano sa nagbabadyang pagtaas ng singil sa mga susunod na buwan dahil sa pagtatapos ng mga refund sa Meralco Bill.
Inihayag ni ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta na kabilang sa unang maaaring suspendehin ang Feed-in-Tariff Allowance na katumbas ng halos P0.04 kada kilowatt hour.
Maaari rin anyang pababain ang transmission charge, na kasalukuyang nasa P0.82 kada kilowatt hour sa mga customer ng MERALCO.
Dahil ito sa nakatakdang pagtatapos sa Disyembre ng 1 sa 4 na refund sa Meralco Bill habang dalawang iba pa ang mawawala sa Enero at Pebrero ng susunod na taon.