Labis na ikinababahala ng pambansang pulisya ang sunud – sunod na insidente ng pagpatay sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Ito’y bunsod na rin ng mga nangyaring pagpatay kina Tanauan Mayor Antonio Halili, General Tinio Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan.
Pero ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Benigno Durana, kung ang pagbabatayan aniya ay ang datos ng krimen, mas mababa aniya ito dahil sa mga ipinatupad na anti – crime strategy tulad ng oplan sita, oplan bakal, oplan galugad at iba pa.
Kasunod nito, lalo pang paiigtingin ng pambansang pulisya ang kanilang mga checkpoint at chokepoint sa iba’t ibang panig ng bansa at gagawin na nila itong 24/7 o magdamagan na.
Samantala, umapela rin si Durana sa publiko na laging makipag-ugnayan sa kanila at isuplong ang lahat ng mga napapansin nilang kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.