Ibabalik ng San Carlos city government ang kanilang mga checkpoint sa mga boundaries sa Vallehermoso at Canlaon City sa Negros Oriental simula ngayong araw, ika-22 ng Pebrero.
Paliwanag ni City Mayor Renato Gustilo, ang hakbang ay bilang tugon na rin sa request ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson bunsod ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa kanilang lungsod.
Dahil dito, sinabi ni Gustilo na obligado nang magpakita ng medical certificate ang mga indibidwal na papasok ng lungsod mula sa bayan ng Vallehermoso at dapat may swab test result naman ang mga manggagaling naman ng Canlaon City.