Tiniyak ng Malakanyang na pananagutan pa rin ng mga mangingisdang Intsik ang pag abandona sa mga mangingisdang Pilipino matapos nilang mabangga ang bangkang pangisda ng mga ito sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababawasan ang pananagutang ito ng mga mangingisdang Intsik kahit pa may makitang pagkukulang sa panig ng mga mangingisdang Pilipino.
Tugon ito ni Panelo sa pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na may kasalanan rin ang mga mangingisdang Pilipino dahil kulang sila sa ilaw habang nasa laot at wala silang itinalagang lookout.
Sinabi ni Panelo na hindi pa niya nababasa ang report ng Philippine Coast Guard at antayin na lamang na magmula sa pangulo ang pagsasapubliko nito.
“Bakit naman ma-aano kung iniwan nila?… maari bang hindi sila liable doon? They have to justify their action and the only justification would be their lives would be endangered, eh hindi naman. I don’t think so. “ — Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.