Bibisitahin ng mga dumating na Chinese medical experts ang mga itinalagang referral hospitals at quarantine facilities para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga pupuntahan ng mga Chinese medical experts ang Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital (PGH), San Lazaro Hospital, at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Aniya, titingnan ng mga nabanggit na experto ang paraan kung paano ipinatutupad ng pamahalaan ang community quarantine sa bansa.
Sinabi ni Vergeire, malaki ang maitutulong ng mga magiging rekomendasyon ng mga Chinese medical experts para sa direksyon ng mga polisiya ng pamalaan kaugnay ng health emergency.