Tukoy na ng Department of Health (DOH) ang tatlong close contacts ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.4 sa bansa.
Inihayag ni Health Epidemiology Bureau Director, Dr. Alethea De Guzman na nakumpleto na ng BA.4 case ang kanyang 14-day isolation bago nakasalamuha ang tatlong indibidwal.
Pawang asymptomatic anya ang mga ito at kumpleto rin sa bakuna subalit bineberipika pa ang kanilang testing status.
Asymptomatic din ang unang kaso ng BA.4 na Returning Overseas Filipino mula Qatar at mayroong travel history sa South Africa pero walang bakuna.
Nilinaw naman ni De Guzman na wala pang datos na nagpapakita na ang nasabing subvariant ay dahilan ng mas maraming severe symptoms.
Samantala, nakatapos na ng isolation ang 17 kataong tinamaan ng BA.2.12.1 sa Puerto Princesa, Palawan; Western Visayas at National Capital Region.