Isinasailalim na ngayon sa evaluation ng Commission on Elections ang mga Certificates of Candidacy ng mga senatorial aspirants at party-list groups upang makapagpalabas na ng opisyal na listahan sa buwan ng Disyembre para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, unang binubusisi ngayon ng poll body ang mga COCs na isinumite sa COMELEC-main office ng mga tatakbo sa pagka-senador.
Paliwanag ni Jimenez, inaalam na ng komisyon ang intensiyon ng mga nagnanais na kumandidato upang malaman kung seryoso ba ang mga ito.
Siniguro naman ni Jimenez na makakasuhan ang sinumang maidedeklarang nuisance o panggulo lamang na kandidato.
Target ng COMELEC na makapag-set ng hearing para sa mga posibleng maidedeklarang nuisance candidates sa katapusan ng buwan o sa unang linggo ng Nobyembre.