Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang publiko sa pagtangkalik sa mga colorum na motorcycle taxis.
Sa harap ito ng mga sumbong na nagpapatay ng app ang mga legitimate motorcycle riders mula sa Transportation Network Companies (TNC) kapag rush hour at nagbu-book sa labas ng app.
Ipinaliwanag ni LTFRB Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III na hindi saklaw ng insurance ang mga pasahero ng colorum na sasakyan o motorcycle taxi ay hindi sa oras na maaksidente.
Ang mga rider anyang mapatutunayang guilty o hindi kukuha ng pasahero ay pagmumultahin ng 5,000 pesos at maaaring patawan ng hanggang anim na buwang suspensyon.
Mag-iisyu rin ng resolusyon ang LTFRB technical working group para panagutin din ang mga TNC.