Kumambiyo ang Anim na Commissioners ng COMELEC sa pagsasabing hindi nila hinuhusgahan si pinuno nilang si Andres Bautista.
Ito’y matapos silang maglabas ng Unified Statement sa isang press conference kahapon patungkol sa mga kinakaharap na kontrobersya ni Bautista, kabilang na ang alegasyon ng korapsyon.
Iginiit ni COMELEC Commissioner Arthur Lim na hindi nila pwersahang hinihikayat na mag-resign o mag-leave of absence si Bautista dahil may konsensya naman ito upang mag-desisyon para sa sarili.
Gayunman, aminado si Lim na dahil sa ‘collateral issues’ ay may pangamba sila na hindi na nagagampanan ng opisyal ang kanyang responsibilidad sa isang constitutional body tulad ng COMELEC kaya’t dapat na itong pumili ng kanyang prayoridad.
Sinuguro naman ng COMELEC Commisioners na anuman ang magiging pasya ni Bautista ay ‘business as usual’ anila ang komisyon.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE