Suportado ng Population Commission ang community pantry na nagbibigay ng libreng contraceptives.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni POPCOM Executive Director Jose Antonio Perez matapos silang magpalabas ng guidelines sa pamamahagi ng mga contraceptive.
Mahalaga aniyang mayroong barnagay health worker na nakabantay sa mga community pantry na nagbibigay ng libreng contraceptive na una nang ginawa sa isang barangay sa Davao, Legaspi City at Taguig.
Dapat may kasamang barangay health worker, maglalabas kami ng guideline para maging ayon sa ating health protocols na dapat kapag pills yung dini-despense dapat alam ng health worker at saka may prescription kapag condom naman yung mga sexually active pwedeng mabigyan ng condom,” ani Perez.