Idinulog na ng mga commuter sa Metro Manila kay incoming President Rodrigo Duterte ang lumalalang problema sa trapiko na anila’y nakaka apekto na sa ekonomiya
Ayon sa mga commuter matindi na talaga ang problema sa trapiko kahit saang lugar sa kalakhang Maynila lalo na kung rush hour
Sagot na sana anila ang Mass Transport Railway System subalit problema rin ang napakahabang pila at halos sardinas na mga train coach
Dahil dito pabor ang mga commuter na mabigyan ng emergency powers si Duterte para maresolba ang problema sa trapiko
Una nang lumabas sa survey ng GPS based navigation app na Waze nuong 2015 na ang Metro Manila ang may pinakamalalang trapiko sa mundo
By: Judith Larino