Handa ang mga complainant sa impeachment case laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista na tumulong sa pag draft ng articles of impeachment laban sa poll chief.
Tiniyak ito ni Atty Manuelito Luna, abogado nina dating Congressman Jacinto Paras at Atty Ferdinand Topacio.
Si Luna ay nagtungo sa tanggapan ng committee on justice para alamin ang schedule ng panel meeting na tatalakay sa articles of impeachment laban kay Bautista.
Itinakda muli ang panel meeting matapos walang nagkumpirmang miyembro na dadalo sa naunang itinakdang pulong kahapon.