Naideposito na ng Commission on Elections (Comelec) ang Source Codes o Computer Program na gagamitin sa Automated Election System (AES) para sa 2022 National and Local Elections.
Sa pamamagitan nina Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz at Atty. John Rex Laudiangco, Director ng Law Department ng poll body, dinala ang Source Codes sa tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Pasay City.
Layunin nitong maging malinis, tapat at mapagkakatiwalaan ang isasagawang eleksiyon sa May 9.
Ayon sa Comelec, tanging ang mga opisyal lamang ng kanilang ahensya ang makapagbubukas ng compartment kung saan nakalagay ang mga Computer program. —sa panulat ni Angelica Doctolero