Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palitan na ng mga bollard ang mga concrete barrier sa edsa busway para sa kaligtasan ng lahat ng motorista.
Ayon kay MMDA Officer-In-Charge, General-Manager Romando Artes, bagaman maayos ang mga ilaw sa Edsa, daragdagan din nila ang safety signs bukod pa sa dalawanlibong high highway-grade street lights mula Caloocan hanggang Pasay City.
Ipinunto rin ni Artes na hindi na akmang gamitin ang orange plastic barrier dahil magaan ang mga ito at madaling masagi o matanggal.
Anuman ang mapiling alternatibo, pinaka-mahalaga pa rin anyang mapanatili ang exclusivity ng bus lane at kaligtasan ng mga motorista.
Sa datos ng MMDA, 90% ng road crashes kaugnay sa concrete barriers ang kinasasangkutan ng mga driver na lango sa alak, nakaidlip o gumagamit ng mobile phones.
Noon lamang Biyernes, tatlong Philippine Air Force Personnel ang nasawi matapos sumalpok ang kanilang kotse sa isa sa concrete barriers malapit sa P. Tuazon tunnel sa Quezon City.