Titingnan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga sinasabing accident-prone areas sa kahabaan ng EDSA dahil umano sa mga inilagay na concrete barriers.
Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos, pinatitingnan na niya ang mga concrete na barriers na sumisikip o tila nagiging embudo kaya’t nagdudulot na ng aksidente.
Bukod pa aniya sa aksidente nagdudulot din ito ng trapiko.
Noong nakaraang taon, inihayag ng MMDA ang pagkaalarma sa tumataas na bilang ng kaso ng vehicular accident sa EDSA dahil sa concrete barrier.