Nagbabala ang Quezon City Veterinary Office sa mga mamimili na tiyaking sariwa ang bibilhing karne lalo na sa mga maghahanda ngayong noche buena.
Malaki ngayon ang tiyansa na makapasok ang mga frozen meat na kung hindi maayos ang pagkaka-proseso ay may dalang panganib sa kalusugan.
Paliwanag ni QC veterinarian Ana Maria Cabel, mas mura ang frozen meat kumpara sa sariwang karne ng baboy kaya mas naaakit ang mga mamimili na bilhin ito.
Napapabayaan na rin anya ng mga meat dealers ang pag-handle ng mga frozen meat lalo na at mataas ngayon ang demand ng karne.
Kaya naman payo ng veterinary office sa lungsod, kung hindi bagong katay ay tiyaking galing sa freezer o chiller ang bibilhing karne.