Inabisuhan na ng MERALCO ang mga consumer sa naka-umang na dagdag-singil sa kuryente sa unang buwan ng susunod na taon.
Ipinaliwanag ng MERALCO na matatapos na kasi sa Enero ang isa sa tatlong refund na P.28 at mararamdaman na rin ang epekto ng mas mahal na supply ng kuryente.
Bunsod naman ito ng pagsuspinde ng San Miguel Corporation sa kanilang Power Supply Agreement sa MERALCO matapos makakuha ng Temporary Restraining Order sa Court of Appeals.
Ayon kay MERALCO spokesperson Joe Zaldarriaga, labis na maka-aapekto ang dalawang nabanggit na rason sa final billing ng kanilang mga customer.
Dahil anya sa TRO, napilitan ang nasabing power distributor na pumasok sa Emergency Power Supply Agreement sa isang planta ng Aboitiz sa presyong halos P6.00 kada kilowatt hour.
Kumpara ito sa sinuspindeng kontrata ng SMC na mas mura sa P4.30 centavos ang kada kilowatt hour.