Pinagbabayad ng Commission on Audit o COA sa gobyerno ng halos 147 billion pesos ang mga contractor ng Malampaya.
Ito ay matapos ibasura ng COA ang motion for reconsideration ng Malampaya contractors at Department of Energy o DOE matapos mapatunayang walang lehitimong basehan para i-justify ang pagbaligtad sa April 2015 ruling nito.
Ayon sa COA lumobo na sa 146. 7 billion pesos ang dapat na bayaran sa gobyerno dahil sa patuloy na underpayment o tax assumption scheme ng consortium mula 2010 hanggang 2016.
Taong 2015 nang magpalabas ng notice of charge ang COA na nagsasabing dapat makatanggap ng mahigit 53 billion pesos ang gobyerno sa income tax ng Malampaya consortium mula taong 2002 hanggang 2009.
—-