Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 1000 piso hanggang 2000 pisong gratuity pay para sa contractual workers ng gobyerno.
Nakasaad sa administrative order, karapat-dapat ang pagbibigay ng nasabing year-end gratuity pay bilang pagkilala sa trabaho ng mga contractual worker.
Batay sa order, makatatanggap ng hindi lalagpas na 2000 piso ang mga contractual worker na nakapagtrabaho ng apat na buwan o mahigit pa bago ang December 15, 2016.
Samantala, hindi naman hihigit sa 1000 piso ang matatanggap ng mga contractual worker ng gobyerno na hindi pa lagpas sa apat na buwan ang ipinasok.
Sakop ng administrative order sa gratuity pay ang mga contractual worker sa lahat ng ahensya ng gobyerno, state universities, government owned and controlled corporation, at mga government financial institution.
By: Avee Devierte