Idinadahilan umano ng cosignees o shippers ng mga kargamento ang enhanced community quarantine (ECQ) para ma-waive o hindi makapagbayad ng buwis bago mailabas ang kanilang cargo sa mga pantalan partikular na sa Maynila.
Nabunyag ito sa gitna na rin nang pagbagal ng movement ng cargo dahil sa ECQ.
Ayon sa sources sa pantalan, malinaw sa direktiba ng pangulong rodrigo duterte sa iatf sa lahat ng concerned department tulad ng DOF, DOTr, DILG, PNP, AFP at maging sa BOC na hindi dapat maharang ang daloy ng mga cargo.
Mukha anilang nakakita ng pagkakataon ang mga consignee na makaiwas sa taripa at ibinabalik sa gobyerno ang problema para makakuha ng special accommodation habang iba naman ay sinasadyang hindi na kumilos at kunin ang kanilang cargo para ma forfeit ng gobyerno at pagkatapos ay aregluhin na lamang.
Hindi anila dapat kunstintihin ng BOC ang mga ganitong gawi ng consignee na ang iba ay nais iwan sa pier ang kanilang cargo dahil wala silang sariling storage depot.