Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patiente na tumatakas sa ospital habang sila ay ginagamot.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring makusahan ang mga pasyenteng tumatakas at hindi sumusunod sa alituntunin ng DOH habang ginagamot ang mga ito laban sa COVID-19.
Nilalabag umano ng mga ito ang RA 11332 o law on reporting of communicable diseases.
Kaya naman pakiusap ni Vergeire sa mga naadmit sa ospital dahil sa COVID-19, sumunod sa mga protocols para mabigyang lunas ang karamdaman at hindi na makapangdamay pa ng iba.