Pinabawi muna ng Department of Health (DOH) ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits na dinivelop ng mga experts mula sa University of the Philippines (UP) dahil sa nakitang depekto umano rito.
Ipinabatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon lamang minor problem na nadiskubre sa test kits ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) habang bina-validate nito ang mga naturang test kits bagamat hindi naman tinukoy ang mga problemang ito.
Sinabi ni Vergeire na nakausap na ng DOH ang UP experts na nasa final stage na ng pagtama sa mga nakitang depekto sa test kits na muling iva-validate ng RITM sa susunod na linggo.