Inaasahang darating sa susunod na buwan ang mga biniling bakuna kontra COVID-19 ng pribadong sektor.
Ito’y ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III kung saan kabilang aniya sa mga parating na bakuna ay mula sa AstraZeneca, Sinovac at Moderna na binili ng federation of Filipino-Chinese chambers of commerce and industry.
Kaugnay nito tiniyak ni Dominguez na magiging maayos ang proseso sa pagpapalabas ng mga bakuna katuwang ang Bureau of Customs (BOC).
Ani Dominguez mayroon kasing kinakailangang temperatura ang mga bakuna kaya kailangang maging maayos ang paghawak dito at hindi magkaroon ng aberya sa pagpapalabas ng mga ito.
Nabili ang mga bakuna sa ilalim ng tripartite agreement kung saan kinakailangan pa rin ng partisipasyon ng gobyerno dahil ito ang responsable sa anomang adverse effects na maranasan ng mga magpapaturok sa pamamagitan ng 500-million national vaccine indemnity fund.