Nananatiling epektibo ang mga ipinamahaging COVID-19 vaccines sa Pilipinas laban sa epektong dulot ng OMICRON XBB subvariant at XBC variant.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, Chairman Ng University of the Philippines-Philippine General Hospital Department of Emergency Medicine, hindi nawawala ang effectiveness ng mga bakuna lalo na sa critical illness na idinudulot ng virus partikular na ang pagkasawi.
Hinimok naman ni Herbosa ang publiko na magpaturok na ng booster shot upang madagdagan pa ang proteksyon laban sa COVID-19.
Matatandaang sa huling datos ng DOH, aabot sa 81 kaso ng OMICRON XBB at 193 kaso ng XBC variant, ang naitala sa bansa na recombinant ng mg naunang variants.