Malaking hamon sa airline companies lalo na sa local carriers ang procedures na ipinatutupad sa kanilang crew tuwing may biyahe sa mga bansang nakapagtala ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na hindi pa maibabalik ang full operational flights ng mga airline dahil apektado ng quarantine procedures ang kanilang mga crew.
Ipinabatid ni Monreal na obligado ang crew members na sumailalim sa 14 day quarantine period kapag bumiyahe mula o patungo sa mga bansang may naitalang kaso ng persons under investigation (PUI) o nag positibo sa COVID-19.
Hindi aniya mapagsusunud sunod ng isang kumpanya ng eroplano ang kanilang mga biyahe dahil magpapang abot ang mga crew na mati tengga dahil sa quarantine procedures.
Tiwala si monreal na malulutas na ang nasabing problema sa susunod na linggo kung kailan inaasahan ang full recovery ng kanilang mga biyahe.