Posibleng makaranas ng water supply interruptions ang mga customer ng Maynilad sa kabuuan ng panahon ng tag-init.
Ito, ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, ay kung magpapatuloy ang mababang supply ng tubig at hidwaan sa pagitan ng Maynilad at Manila Water.
Nag-ugat ang sigalot nang ireklamo ng Manila Water ang pahayag ng MAYNILAD na ang sanhi ng water service interruptions sa kanilang concession areas ay ang kakulangan ng supply dahil nakatatanggap ng mas maraming alokasyon ang Manila Water.
Kung hindi anya magkakasundo ang dalawang nabanggit na kumpanya ay manganganib na mawala sa kanila ang kanilang concessions.
Tiniyak naman ng MAYNILAD na pananatilihin nila ang sapat na supply sa kanilang mga customer sa kabila ng nararanasang water interruption ng halos apatnaraang libo nilang customer dahil sa kakulangan ng water supply.