Isang sikat na destinasyon para sa mga turista at pilgrims ang Karni Mata Temple sa India. Marami ang bumibisita sa templong ito, hindi lamang upang magbigay-galang sa diyosang si Karni Mata, kundi upang silipin ang mga daga rito.
Mayroon kasing naninirahang higit sa 25,000 na daga sa templo na itinuturing ng mga deboto biglang sagrado.
Ayon sa alamat, reincarnation ng mga kamag-anak at ng mga tagasunod ni Karni Mata ang mga daga. Dahil dito, inaalagaan silang mabuti ng mga deboto. Malaya rin silang nakakagala sa loob at labas ng templo.
Kung bibisita ka rito, kailangan mong alukin ang mga daga ng prasad o religious offering.
Bawal na bawal din ang pananakit sa mga daga, at kung aksidente man itong masaktan, dapat mo itong palitan ng rebulto na gawa sa purong ginto o pilak.
Naging paalala ang hindi pangkaraniwang paniniwala ng mga deboto ni Karni Mata na hindi nasusukat sa anyo ng isang nilalang ang pagpapakita ng paggalang at respeto, kundi sa kakayahan nating makita ang kabanalan sa bawat isa.