Naranasan niyo na bang sinukin at masabihang ikaw kasi ay nagsisinungaling o di kaya’y kulang sa tubig na inumin?
Kung narinig mo na ang ganyang dahilan ng iilan, may pagtatama diyan ang mga eksperto.
Ayon kay Doctor Willie Ong madalas sinisinok ang tao dahil sa hindi natutunawan o posibleng dahil sa napabilis ang pagkain at pag-lunok o di kaya’y dahil sa pagkabusog sa pagkain, tubig at hangin.
Maaari rin aniyang dahil ito sa stress kung saan hinga nang hinga ang isang tao dahilan para makalunok ito ng maraming hangin.
paliwanag ni Ong hindi rin totoo na dapat gulatin ang isang sinisinok para mawala ang pagsinok pati na rin ang paglalagay ng sinulid sa noo ng sanggol o di kaya’y pagpapahid ng laway
Ang dapat aniyang gawin para maiwasan ang pagkasinok ay ang mga sumusunod
- Uminom ng mainit na tubig para marelax ang muscle sa tyan
- Magdahan-dahan sa pagkain at kumain ng madadaling matunaw
Ayon kay Ong wala namang dapat ipag-alala sakaling sinukin dahil mawawala rin ang sinok makalipas ang labing lima hanggang tatlumpung minuto.