Hindi pa rin sapat ang tubig na ibinuhos ng mga pag-ulang dala ng bagyong Egay at ng habagat.
Ito’y ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division ay para mapunuan ang mga dam sa bansa.
Bagama’t bahagyang umakyat sa 169.33 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, masyado pa itong malayo sa spilling level na 210 meters gayundin sa La Mesa Dam na nasa 79.06 meters na malayo pa sa 80.15 meters spilling level nito.
Samantala, nagpakawala naman ng tubig ang Binga Dam sa Benguet ng 63 cubic meters per second patungo sa San Roque Dam.
Wala namang pagbabago sa lebel ng tubig sa Magat Dam dahil sa hindi pa bumababa ang tubig mula sa mga bundok na ibinuhos ng bagyo.
By Jaymark Dagala