Inilatag ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga dapat at hindi dapat gawin ngayong nalalapit na ang pagsalubong ng bagong taon.
Sa panayam ng DWIZ kay Superintendent Analee Atienza, tagapagsalita ng BFP, una nitong ipinaalala ang panonood na lang ng fireworks display sa mga designated areas ng lungsod, imbes na magpaputok malapit sa bahay.
Dapat ding tiyaking nasa kondisyon ang mga linya ng kuryente, lalo na kung matagal nang nakatayo ang tirahan.
Samantala, ipinayo rin ng BFP na maging mapagbantay sa maaamoy na fumes sa bahay mula sa tangke, at kung may ganitong senaryo ay huwag sindihan ang ilaw, buksan ang bintana, at patayin ang gas.
Sa ngayon, tumaas na ang insidente ng nagugatan dahil sa paputok, mas mataas kumpara noong nakaraang taon.