Posibleng mahilo at bumagsak ang isang tao lalo na kapag bagong gising.
Ito ang sinabi ng mga eksperto dahil maaaring manhid pa ang mga paa at wala pang balanse sa paglalakad.
Payo ng mga eksperto, huwag agad tumayo o dahan dahan lamang na kumilos.
Maari ring umupo muna ng isang minuto at mag-stretch ng leeg at balikat.
Dapat rin na uminom ng dalawang baso ng maligamgam na tubig pagkagising at bago mag-almusal upang malinis ang dumi sa katawan.
Sinabi rin ng mga eksperto na maging positibo at handa sa araw-araw. –Sa panulat ni Airiam Sancho