Ipinanawagan ni Senator Win Gatchalian na dapat tiyakin ng Department of Energy (DOE) ang 1,091 megawatts na new capacity sa suplay ng kuryente na papasok online sa takdang panahon.
Ito’y matapos magiging manipis ang suplay ng kuryente sa Luzon lalo sa panahon ng summer.
Nabatid na taon-taun na itong problema na kailangan dapat tugunan ng DOE.
Ayon kay gatchalian, may solusyon pa na maaring gawin upang maibsan ang epekto ng pagnipis ng kuryente tuwing tag-init.
Tulad na lamang ng paghahanda ng interruptable load program, dapat walang maintenance ng power plants tuwing summer at magpatupad ng energy conservation.
Samantala, binalaan naman ng DOE ang publiko na asahan na ang yellow alert sa malaking bahagi ng bansa simula sa Marso. - sa panunulat ni Jenn Patrolla – sa ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol 19).