Posibleng umabot sa 15 milyong katao ang daragsa sa tradisyunal na traslacion para sa poong Itim na Nazareno sa Maynila, sa Sabado.
Ito, ayon sa Philippine Red Cross (PRC), ay kumpara sa mahigit 5 milyong katao na lumahok sa prusisyon noong isang taon.
Dahil dito, 400 personnel ang idedeploy ng PRC kasama ang 20 ambulansya at iba pang rescue vehicles upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.
Labingwalong (18) first-aid stations ang ipupwesto sa Quirino Grandstand; Museo Pambata; Katigbak; Aquino Monument; National Museum;
Santa Cruz Church at Isetann-Recto habang magkakaroon din ng emergency field hospital sa Liwasang Bonifacio Shrine malapit sa Manila City Hall.
By Drew Nacino