Kinasuhan ng kriminal ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng DOH kabilang si dating Secretary Janet Garin.
Kaugnay ito sa mga kaso nang pagkasawi ng mga batang tinurukan ng Dengvaxia.
Sinabi ni PAO Chief Atty. Percida Rueda-Acosta na napatunayan nila ang link o ugnayan ng mass vaccination at pagkamatay ng mga biktima na aniya’y hindi lamang nagkataon.
Binigyang diin pa ni Acosta na kahina hinala talaga ang pag bakuna dahil hindi dapat mamatay ang mga batang malusog naman na naturukan ng Dengvaxia.
Sinampahan din ng kaso ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at local drug distributor na Zuellig Pharma.
Kabilang sa mga kasong isinampa ng PAO ay reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa ilang bahagi ng anti torture act of 2009.