Dinagsa ang unang araw ng public viewing sa burol ng yumaong dating National Security Adviser at dating mambabatas na si Roilo Golez sa Heritage Park sa Taguig City.
Kabilang sa mga unang nakiramay sa pamilya Golez sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Gringo Honasan.
Dumating din sina dating Pangulong Fidel Ramos, dating Vice President Teofisto Guingona at dating Executive Secretary Eduardo Ermita.
Ayon kay Parañaque Vice mayor Rico Golez, ililipat ang labi ng kaniyang ama sa Manila Memorial Park sa Sucat sa Huwebes at saka ibabalik muli sa Heritage Memorial Park kinabukasan bago ang ito ilibing sa Hunyo 16, araw ng Sabado.
Magugunitang pumanaw si Golez sanhi ng atake sa puso nuong Lunes, Hunyo 11 sa edad na 71.