Mga dating senador ang karamihan sa mga pumasok sa senatorial survey na isinagawa ng Pulse Asia para sa 2016 elections.
Nanguna si incumbent Senator Vicente Sotto III na ibinoto ng 72. 6% respondents samantalang pumangalawa si dating Senador Panfilo Lacson na may 65. 3%.
Pasok naman sa ikalawa hanggang anim na puwesto sina incumbent Senator Ralph Recto, dating Senador Francis Pangilinan, Senate President Franklin Drilon, dating Senador Juan Miguel Zubiri at incumbent Senator Sergio Osmenia III.
Pumapang-pito hanggang pang-sampung puwesto naman si Congressman Manny Pacquiao na tumatakbong senador sa kauna-unahang pagkakataon.
Kabilang din sa magic 12 si dating Senador Richard Gordon, incumbent Senator Teofisto Guingona III, dating Justice Secretary Leila de Lima at dating Akbayan Partylist Representative Risa Hontiveros.
Ang survey ay isinagawa mula November 8 hanggang 15 sa 1,200 respondents.
By Judith Larino