Nakabalik na sa kani-kanilang pamilya ang 37 mga dating bihag ng ISIS-inspired Maute Group.
Ayon kay Automonous Region in Muslim Mindanao o ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong ang mga bihag mismo ang humiling huwag nang i-cover ng media ang pag-turn over sa kanila sa lokal na pamahalaan ng Marawi.
Nagsagawa naman ang Department of Health o DOH ng psychosocial debriefing para sa mga dating bihag partikular sa mga kabataan.
—-