Gagamitin pa rin ng pamahalaan ang ilang mga hakbang nito kontra COVID-19 upang labanan ang pagkalat ng Deltacron variant sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje na gagamitin pa rin ang Prevent, Detect, Isolation, Treat, Reintegration (PDITR) strategies at ang pinaigting na genome sequencing upang agad na malaman kung nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.
Mahalaga din aniya ang patuloy na pagpapatupad ng minimum public health standards at ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine at booster shot ng mga eligible individuals.
Sinabi pa ni Cabotaje na importante rin ang additional protection o third dose lalo na’t humihina kalaunan ang mga primary vaccine na itinurok sa mga fully vaccinated individuals o nakakumpleto na ng bakuna. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)