Handang tanggapin ng PNP o Philippine National Police ang mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front na nais maglingkod bilang mga pulis.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ikinakasa na nila ang isang draft memorandum circular hinggil sa pagpasok sa serbisyo ng mga magbabalik loob na rebelde.
Gayunman, binigyang diin ni Albayalde na kinakailangan pa ring maipasa ng mga ito ang mga requirements na itinatakda ng batas.
Hindi aniya tumatanggap ng auxilliary ang PNP na katulad ng Armed Forces of the Philippines na mayroong CAFGU o Civilian Armed Forces Geographical Unit.
Magugunitang napagkasunduan ng DILG, Bangsamoro Transition Commission at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na payagang makasama sa PNP ang mga dating rebelde.
With report from Jaymark Dagala (Patrol 9)