Sabay-sabay na muling nanumpa sa watawat ng Pilipinas ang nasa 30 dating miyembro ng isang underground movement na pinatatakbo ng makakaliwang grupo.
Ito’y matapos magpasya ang mga ito na ganap nang talikuran ang armadong pakikibaka at sa halip ay magbalik loob na sa lipunan.
Pinangunahan ni National Capital Region Police Office o NCRPO Dir. P/MGen. Vicente Danao Jr ang simpleng seremonya na isinagawa sa Camp Bagong Diwa, Taguig City nitong umaga ng Martes, Enero a-26.
TINGNAN: Mga dating NPA, pormal nang nanumpa ng pagbabalik loob sa Pamahalaan | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/YrB56lYnWc
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 26, 2021
Sinaksihan naman ito nina Armed Forces of the Philippines – Joint Task Force National Capital Region (AFP JTF NCR) Commander B/Gen. Marceliano Teofilo at ilan pang opisyal ng NCRPO.
Itong mga ibang kasamahan nila ay galing sa ibang region and from other regions we convinced them na kumbinsihin itong imga ibang naririto sa NCR ngayon(na sumuko) (These other colleagues are from other regions and from other regions we convinced them to convince others here in NCR today (to surrender)),” wika ni P/MGen. Danao
Matapos manumpa sa watawat ng Pilipinas na siyang tanda ng kanilang pagbabalik loob, isa- isa naman silang lumagda sa tinaguriang “wall of the covenant” na simbulo ng kanilang ganap na katapatan sa sambayanang Pilipino.
Ikinuwento pa ng Heneral ang pagpapahirap aniya ng nasabing grupo sa mga nagsisukong dating miyembro ng kilusan dahil ginagawa silang gatasan ng mga dati nilang opisyal.
Ito nagpapakahirap magtrabaho ang mga ito and yet they are force to give 10% if their salary every month, so ito yung kanilang milking cow. Pati nga yung pagpapasara ng mga kumpanya e gustong gusto ng mga ito e, you know why?, because they are asking 25% of what they will recieve,” ani Danao
Ayon sa NCRPO Chief, ang mga nagsisukong dating rebelde ay makatatanggapn ng benepisyo sa isasailalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP salig sa Executive Order #70 na lumikha sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC.
Sana mahikayat pa natin yung iba na magbalik gobyerno para once and for all makita nila na ang programa natin ay talagang may puso. Tapat, may puso at para sa ating mga mamamayan. So ito po talaga yung programa ng ating ELCAC ngayon,” dagdag pa ng NCRPO Chief.