Nagbabala ang malakaniyang na hindi dapat magpaka-kampante ang mga dating opisyal na nakabalik sa kanilang pwesto sa gobyerno sa kabila ng pagpapalit ng administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon siyang alam na ilang dilawang opisyal na nakabalik sa posisyon gaya ng pagiging undersecretary matapos malagay sa floating status.
Dahil dito, sinabi ni Roque na hindi nila tiyak ang kung nananatili pa rin ba ang katapatan ng mga naturang opisyal sa dating administrasyon o ito ba ay bumaliktad na rin.
Kaugnay nito, tiniyak ni Roque na magbabantay silang mga taga gobyerno na naghahangad umano ng tunay na pagbabago sa bansa.