Inimbitahan ang mga dating opisyal ng Land Transportation Office (LTO) at iba pang mga may kaugnayan sa kwestyonableng Information Technology (IT) Project ng ahensya na humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Kasunod ito ng kulang na impormasyong nakalap ng mga Senador ukol sa isyu dahil sa hindi pagdalo ng ilang dating LTO Chief at iba pang mga kinauukulan, kasama na ang kontraktor ng LTO para sa IT deal na Dermalog.
Nabatid na nasa Germany ngayon ang mga opisyal ng kinuhang kontraktor ng LTO at nagpadala lang sila ng kanilang Legal counsel upang sumagot sa pagdinig ng Senado na nagsimula dahil sa undue payment o advance na pagbabayad na ginawa ng LTO sa kinuhang kontraktor kahit hindi pa kumpleto ang turnover ng mga ito ng higit ₱3 Billion na road IT infrastructure project batay sa report ng Commission on Audit (COA).