Mas marami pang dating opisyal ng militar ang itinalaga sa iba’t-ibang puwesto ng Dito Telecommunity Corporation.
Ang hakbang ay para matiyak na hindi magagamit ang Dito telecoms na banta sa national security sa gitna na rin ng mga pangambang pag-e-espiya umano ng Beijing dahil sa Chinese state owned patner nito.
Ayon kay Dito Chief Technology Officer Rodolfo Santiago mayroong siyam na retired military officers ang kinuha nila para sa mga puwesto sa kumpanya kabilang siya na isang dating brigadier general at si retired Colonel Roleen Del Prado, isang cybersecurity expert bilang pinuno ng cyber security team ng kumpanya.
Patuloy aniya silang nagre-recruit ng mga dating militar para maging bahagi ng third telco.
Ipinabatid naman ni Dito Chief Administrative Officer Adel Tamano na kinuha rin nila si retired Colonel Romy Basco para pamunuan ang “physical security” kung saan nasa ilalim nito ang anim na regional officers at staff.