Pinatawan ng Tatlong Buwang suspension ng Sandiganbayan 1st Division ang mga dating opisyal ng San Jose, Camarines Sur na sumasailalim sa paglilitis dahil sa kanilang pagbiyahe sa Thailand noong 2008 nang walang valid travel authority.
Sa isang resolusyon ng anti-graft court noong March 28, 2018, sinuspinde pendente lite ang noo’y municipal Mayor na si Gilmar pacamarra; Councilors Norman Bruzo, Julio Dizon, Roberto Primavera;
Senior Administrative Assisstant Maria Monette Jasmin Pacamarra; Agricultural Technologist Nida Peña, Civil Registrar Muriel Abraga at Municipal Accountant Imelda Caballero.
Ang pendente lite suspension ay ipinag-uutos bilang isang preventive measure laban sa mga incumbent public official na maaaring gumamit ng impluwensya sa kanilang mga kaso gaya ng pag-tamper ng ebidensya.
Kasalukuyang nililitis ang mga opisyal para sa one count ng kasong graft bawat isa kaugnay sa kanilang one town one product benchmarking mission sa Thailand na dahilan ng pagkalugi ng gobyerno ng 279 Thousand Pesos.