Nagsama-sama ngayon ang limang dating Pangulo ng Estados Unidos para umapela ng tulong.
Ito ay para sa mga nasalanta ng hurricane ‘Harvey’ at ‘Irma’.
Tinawag na ‘One America Appeal’ ang kampanya na kinabibilangan nina dating US President Barack Obama, George W. Bush, Bill Clinton, George HW Bush at Jimmy Carter.
Sinuportan naman ito ni US President Donald Trump na nagsabing ipinagmamalaki nito ang naturang hakbang.
Binigyang diin ni Trump na anumang lakas na unos o taas ng tubig ay kayang harapin at lagpasan ng mga Amerikano.