Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on public order and dangerous drugs ang mga dating rebelde na isinalaysay kung paano sila nasama sa mga militanteng grupo.
Nagpakilala bilang Agnes Reano ang isang dating rebelde na umano’y ni-recruit ng grupong alliance of students against tuition fee increase.
Aniya, noong ma-recruit siya sa militanteng grupo, estudyante siya sa umaga at isa siyang miyembro ng NPA kapag gabi.
Ikinuwento naman ng isa pang dating rebelde na si Nancy Dologuin kung paano siya na-recruit habang siya ay nag aaral sa Mindanao State University.
Lumapit umano ang grupong League of Filipino Students (LFS) na nagpakilalang miyembro ng Gabriela women’s group.
Aniya, siya raw ang patunay na mayroong mga recruitment na nagaganap sa mga unibersidad sa bansa.