Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga dating opisyal ng Aquino administration na dawit sa nabunyag na 8.7 billion right of way scam sa General Santos City.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kasama na sa 43 kataong inilagay nila sa watch list ng Bureau of Immigration o BI sina dating Budget Secretary Butch Abad at dating DPWH Secretary Rogelio Singson.
Patuloy aniya ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa napakaraming dokumento na dinala sa kanila ng testigong si Roberto Catapang na ngayon ay inilagay na sa Witness Protection Program o WPP.
Kabilang sa mga posibleng isampang kaso laban sa mga inaakusahang nasa likod ng right of way scam ay falsification of public documents, malversation at plunder.
Una rito, ibinunyag ni Catapang na namemeke sila ng mga titulo ng lupa sa GenSan na daraanan ng isang proyekto ng pamahalaan upang makasingil ng bayad para sa right of way.
Lahat ng P8.7 billion na ito ay confined lang sa General Santos, pero this started sometime in 2009 sa buong Region 8 in other words hindi lang sa GenSan, nagkabistuhan at nalaman ang mga fake titles na yan, tapos ni-resume nila, it was resumed until 2016 elections at ang pagkakaalam ng witness nakakubra pa ang mga ito ng 700 million a few weeks before the election.” Pahayag ni Aguirre