Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maari pa ring magsagawa ng marine survey ang mga dayuhan sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., papayagan lamang ang mga ito kung hahayaan na ang mga Pilipino ang siyang manguna sa marine survey.
Sinang-ayunan naman ito ni Professor Jay Batongcal, director ng University of the Philippines for Maritime Affairs and Law of the Sea.
Aniya, tama lamang na hindi lamang maging simpleNG pasahero ang mga Pilipinong researcher para na rin sa kapakinabangan ng bansa.
Matatandaang isinali na ng DFA ang China sa ban ng mga marine survey ships kasama ang France at Japan.