Papayagan nang makapasok ng bansa ang mga dayuhang may valid visa, may asawa o kaya’y mga anak ng mga Filipino citizens.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, ito’y alinsunod sa inilabas na kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-exempt ang ilang mga dayuhan sa umiiral na travel restriction bunsod ng bagong variant ng virus.
The IATF amended its earlier resolution, IATF Resolution No 92, on all foreign travelers covered by travel restrictions because of the new COVID-19 variants by specifying those exempted, such as foreign nationals with valid visas, which include personnel of accredited international organizations, and spouse and minor children of Filipino citizens traveling with them,” ani Roque
Pero paliwanag ni Roque, ang mga Filipino citizens o mga local diplomats na uuwi ng bansa dahil sa ibang dahilan gaya ng medical reason, kinakailangan itong sumailalim sa quarantine protocols alinsunod sa utos ng health department.
Sa Filipino citizens na mayroong highly exceptional and/or medical reasons, at mga lokal na diplomat, sila ay sasailalim pa rin sa applicable quarantine protocols as prescribed by the DOH,” ani Roque