Binigyang diin ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na hindi na maaring iapela ng sinumang LGU ang ilalabas na alert level system ng IATF kapag ito’y naisapinal na.
Ayon kay Nograles, idedeklara ng IATF ang new classification sa bansa tuwing akinse at atrenta ng buwan.
Magiging weekly naman aniya ang gagawing assessment ng pamahalaan sa COVID-19 cases sa bawat lugar.
Samantala, sinabi pa ni Nograles na lahat ng fully vaccinated nationals na mula sa non-visa required countries ay papayagan na ngayong makapasok sa bansa hanggang December 15, 2021 ngunit subject ito sa ilang kondisyon alinsunod sa health protocols at IATF guidelines.
Kabilang sa mga non-visa required countries ay ang Brazil, Colombia, Israel, Malaysia, Singapore at Vietnam. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17), sa panulat ni Joana Luna